Glaiza de Castro retrieves Instagram, Facebook accounts from hacker

Glaiza de Castro GMA Kapuso TV Celebrity
Actress Glaiza de Castro on how to protect social media accounts from being hacked: “Grabe, sa panahon ngayon hindi lang talaga pisikal ang krimen. Kaya ingat tayo sa mga na ki click natin, mga natatanggap nating emails or links at mga binibigay nating impormasyon online." PHOTO/S: @glaizaredux on Instagram 


Nabawi ng actress-singer na si Glaiza de Castro ang kanyang Instagram at Facebook accounts mula sa isang foreign hacker.

Ito ang masayang ibinalita ng 32-year-old Kapuso actress sa kanyang followers sa Instagram at Twitter ngayong Huwebes ng umaga, June 25.

Nagbigay ng update si Glaiza matapos niyang alertuhin nitong Miyerkules ng gabi, June 24, ang kanyang Twitter followers tungkol sa pagkaka-hack ng kanyang Instagram account.

Bandang 6:47 ng gabi nitong Huwebes nang mag-tweet si Glaiza tungkol dito.

Nagpasaklolo ang aktres sa kanyang 778,000 Twitter followers kung ano ang dapat gawin upang mabawi ang Instagram account niya.

Ramdam ang pagkataranta sa tweet ni Glaiza (published as is):

“Na hack Instagram account ko. What to dooooooo wahhh”

May 1.1 million followers si Glaiza sa Instagram.

Kinumpirma ng ilang nagkomento na hindi nga raw ma-search sa Instagram ang account ng aktres.

Pinayuhan si Glaiza ng Twitter users na baguhin ang kanyang password.

Sinabihan din siyang i-report sa Instagram ang hacking.

HACKER SET RANSOM AT $335

Sa update ni Glaiza, dakong 9:26 ng gabi, nagpasalamat siya sa tulong ng kanyang Twitter followers.

Nang mga oras na iyon, hindi pa rin nababawi ng aktres ang kanyang Instagram account.

Pinayuhan si Glaiza ng isa niyang Twitter follower na sakaling humingi ng ransom ang hacker ay huwag niyang papatulan ito.

Ayon sa Twitter user, modus ng hackers na mambiktima ng celebrities para maibenta ang social media accounts ng mga ito.

Mataas daw kasi ang bentahan ng accounts ng mga kilalang personalidad, ayon sa netizen.

Kasunod nito, ibinahagi ni Glaiza ang screenshot ng palitan nila ng email ng hacker.

Humihingi ng pera ang hacker kapalit ng pagbawi ng actress-singer sa kanyang Instagram account.

Sa wikang Filipino sinagot ni Glaiza ang dayuhang hacker.

Sagot ni Glaiza sa hacker: “Wala nga akong pera kuya. Kaloka ka mars.”

May netizen na nagtanong kung bakit walang pera ang aktres.

Reply ni Glaiza: “Walang taping eh lol”

Kalagitnaan ng March ngayong taon nang itinigil ang lahat ng taping at shooting bilang bahagi ng pagpapairal ng enhanced community quarantine (ECQ) kontra pandemic.

Sa update na ibinigay ng aktres sa isang Twitter user, sinabi niyang $335, o PHP16,763, ang hinihinging ransom ng hacker. - PEP.PH
Share on Google Plus

About Makisig Bayani

I am among of the head writers and administrators of this repository news web site. I always on the heads up when it comes to Sports, Politics, Economy, Business, Physics, Mathematics, Technology, computers and NEWS all over the world that triggers ny eyes and interests. I am working as a volunteer with other 14 administrators, researchers, writers and contributors. We are a strong solid team. Join us and be among of the contributor with your name on each posted article.

    Anonymous or Google Comment
    Facebook Comment

YOU MAY LIKE TO READ

LEARN FOREX TRADING AND GET RICH

Investment Recommendation: Bitcoin Investments

Live trading with Bitcoin through ETORO Trading platform would allow you to grow your $100 to $1,000 Dollars or more in just a day. Just learn how to trade and enjoy the windfall of profits. Take note, Bitcoin is more expensive than Gold now.


Where to buy Bitcoins?

For Philippine customers: You could buy Bitcoin Online at Coins.ph
For outside the Philippines customers  may buy Bitcoins online at Coinbase.com